Ginawaran ng pagkilala ang mga participant na lumahok sa ginawang film making workshop ng Eagle Broadcasting Corporation na EBC Films ‘Make It Reel’.
Sa ginawang awards night napili ang mga natatangging obra ng kada-grupo na naging bahagi ng short-film making na isa sa kanilang natutunan sa ginawang workshops.
Aakalain mong gawa ang mga short films ng mga propesyunal na sa paggawa ng pelikula pero marami sa kanila ay first time pa lang at inapply lamang ang kanilang natutunan sa ginawang workshop.
Iba’t-ibang kategorya ang natanggap ng mga obra ng kada isang grupo. Sa kabila man ng ilang araw lang na workshop at shoot tila mas na-challenge ang mga kalahok para makabuo agad ng isang short film.
Pero dahil dito ay nagpapasalamat sila dahil natutunan nila na sa ganito palang propesyon ay kailangan ang dedikasyon para mapagtagumpayan ang isang proyekto lalo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isang team.
Ayon kay Direk Carlo Ortega Cuevas ng EBC Films at ang bumuo ng ‘Make It Reel’ workshop sa kabila ng short time lamang sa pagbuo ng short-film ay namangha sila sa mga lumahok dahil naging maganda ang resulta ng kanilang pagtuturo sa mga ito.
Nagpapasalamat din ang iba pang lumahok sa Make It Reel workshop ng EBC Films dahil sa marami silang natutunan.
Ang EBC films ay movie production arm ng Eagle Broadcasting Corporation, layon nito na makapag-promote ng Christian values films na mapapakinabangan ng marami nakilala ang EBC Films dahil sa mga pelikula nito katulad na lamang ng ‘Guerrero’.